June 23, 2004

Da adbentyurs of Hermes and Jackie

PAUNANG SALITA
HELLO!!! Halina at makisama sa mga adbentyurs ni Hermes at Jackie. Ang aking 2 alaga...punong-puno ng buhay at aksyon...na minsan ay may halong S.T. flick.
ETO...


DA ADBENTYURS OF HERMES AND JACKIE

ADBENTYUR #1
Uunahin ko yung mas matanda...si JACKIE
Ipinanganak sha noong March 14, 1997. Nung dumating sha sa bahay namin...napaka-amo at mahiyain nya. Palaging nakabuntot sa akin...di ko sha mashado napaglalakad sa bahay nuong una dahil...meron na rin kaming isa pang dalmatian sa bahay...si SLY! Si Sly ay hindi purong dalmatian...80% lang sha...isa sa mga characteristics ng dalamatian ay ang pagiging territorial nito. Kaya nung dumating si Jackie sa bahay...nagkaroon agad ng mortal na kaaway. Habang lumalaki si Jackie...unti-unti naman itong nagkakasungay (hehehe). Siya ang nagle-lead sa iba pa naming aso (may 2 pa nun...si Sly(dalmatian) at Hubbs(terrier))para magkalat at mag-ingay sa bahay.
May isang pagkakataon na binagsak ni Jackie yung salamin ng dining table namin.BASAG ANG SALAMIN!!! Hirap na hirap akong tanggalin sha dun...mabuti na lang at konting galos lang ang nakuha nya. Siguro kung kaya nya lang ibagsak ang piano matagal na nyang ginawa.
Sa bahay...si Jackie at Sly ang umuubos ng betadine kesa sa aming pamilya. Lagi silang masaya sa garden...binabasag ang mga paso, nagbubungkal ng lupa...atbp.
Maraming kuwento ng kakulitan itong si Jackie...tsaka ko na ibabahagi sa inyo! :D

Si Jackie ay isa sa mga pinaka-mabait naming aso...mabait na makulit. At eto ang isa pang natatangi nyang kakayahan...galit sha sa panget...no offense ha...pero minsan kumatok sa aming pintuan ayung isa naming kapitbahay na madaming inaaway...biglang tumahol si Jackie nang pagkalakas-lakas...at mistulang lalapain na iyong ale. Iyong aling iyon na maraming kaaway...at talagang masama ang ugali lang ang kinahulan ni Jackie ng ganung katindi.

Si Jackie rin ang aso naming marunong umarte...heto ang kanyang picture



sinasadya nyang pagandahin ang tenga nya ng mga panahong kinuhaan ko sha...kasi tangan ko sa kaliwa kong kamay ay isang biscuit.
Itong aso kong ito...lahat kinakain...kahit papel kakainin nya...ganon kalaki ang tiwala nya sa akin.

itutuloy...


NOTE: THIS WAS ELOISE'S ORIGINAL POST

No comments: