July 06, 2004

da adbentyurs of Hermes and Jackie

adbentyur #2


Meet Hermes (her-mee), born:june 7,2001 breed:shih tzu color: tri-color gender: female


Bigay lang sa akin si Hermes ng isa sa mga students ko. Medyo di na sha naa-alagaan dahil sobrang busy na nung bata (kyna)...nagkasakit na si Hermes. She had Heartworm and was confined at The Animal House vet for 3 weeks. Nung umuwi na sha...nakapag-decide na ang parents ni Kyna to give up Hermes. At shempre....sa aken nila ito ibinigay (fave teacher nya akowe!)Habang inia-abot sa akin si hermes ito ang last words ni Kyna at Aissa (magkapatid) Teacher Eloise...she'll be your dakilang alalay". Nung inuwi ko si Hermes sa bahay namin...ang payat-payat nya at kalbo...hindi sha mukhang aso...mukha shang pusa. Still...hit na hit si Hermes sa bahay at di lang dun pati na ren sa aking mga kaibigan. Totoo yung sinabi nilang "dakilang alalay" si Hermes kasi kahet saan ako pumunta...sunod den sha ng sunod. Inakyat ko sha sa taas sa kwarto namen para laruin. Dun muna sha para di mashado magselos si Jackie...bumaba akong sandali para ihanda yung kanyang pagkain...ng biglang...blag...blag...blag..."Si Hermes nahulog sa Hagdan!" sigaw ni Nanay.
Ay sus..sa sobrang pagiging "pala-sunod" nagpatihulog sa hagdan si Hermes to be with me.

Awww...ain't she the sweetest?

posted by: ELOISE

No comments: