August 07, 2004

Chi-chi my love

A new added attraction on our mini zoo... :D
she's a 3 monts old monkey and we call her Chi-chi.

At first medyo takot pa sya sa tao. Medyo aloof.. and mabaho. hehehe!!
Ano nga ba naman ang maaasahan mo sa pet shop to take care of this little soul.. siguro matagal na siyang walang ligo. Medyo manipis ang hair nya and payat talaga. Kawawa namang nilalang. Nabulunan pa nga nung first time naming pinakain ng saging... and we thought fruits lang ang puede nyang kainin.

As week pass, medyo nakakarelate na din siya sa environment nya. Nililiguan namin siya thrice a week and she slept with my sister. Of course, medyo takot kami kasi baka may sakit, may ebola, may aids, lahat-lahat na but then unresistable talaga ang charm ng little chi-chi na to sa amin.

Oh my.. kumakain din pala ng kanin ang unggoy. Minsan kasabay namin siyang kumain.. OO nga.. nang-aagaw sila ng pagkain minsan. hehehe! may pagkamaldita lang tong bata na to kasi pag nandyan na nanay nya (my sister).. ayaw ng sumama sa kin. Whenever her mom's at school, she's here with me at my shop... and she always fall asleep in my arms na parang baby talaga. As we know, maingay dito sa shop.. pag inaantok na ang bata at may biglang malakas na tunog.. sumisigaw siya... minsan bumubulong.. siguro sa loob-loob nya "ano ba naman tong lugar na to.. ang dilim dilim pero ang ingay" or kaya "ano ba kayo! inaantok ako! wag kayong maingay!" hahaha!!

Ah.. may isang beses lang pala siyang sumama sa kin na nasa tabi lang nya yung sister ko.. wala pang isang minute.. inihian ako. Bad Chi-chi! Even Bullit have an experience on her peeing habit... Ganon siguro sila, parang sinasabi na.. "this is my property" chuvabelles. :)

Her latest improvement.. Playful. At first, takot siya sa 3 aso namin... even with my little Schat. Minsan kasi tinatahulan or kinakagat siya (kagat na lambing) nung mga babies ko but not now.. palaban na din ang matsing. Not really palaban pero kaya na nyang makipagsabayan. One morning, nasa lapag lang siya at di nilalapitan ng mga aso.. Di siya pinapansin. Nilapitan si Achilles (which is so big na..) at kinurot near his pwet. Syempre, ang initial reaction ng aso.. kinahulan tapos kinakagat-kagat siya.. She also do that.. nakikagat din ang loka.. Nakita ni Schat na nilalaro ni Achilles si Chi-chi.. lumapit ang dalaga ko (si schat).. ang nakiharot na din. Contented ang 2 (Schat and achilles) kasi nakaganti and they left her. Ay naku.. she didn't even cry kahit pinagtulungan nung dalawa. Pero Chi-chi is not contented, nilapitan ang Schat at siya naman ang kinurot. Tawa na lang kami ng tawa sa kalokohan nya. hehehe! Don lang sa isang aso (na adult na talaga) siya di makaporma kasi baka iwasiwas siya non. Hahaha!

Ok na yung itsura nya ngayon... Makapal na yung balahibo nya, may buhok na unlike before na nakakalbo siya.. and syempre.. tumaba na din. :)

Sabi ko sa sister ko, ituring nya yan parang tao.. dapat laging yakapin, alagaan (as what Ate Thess told me) pero parang sobra ata tong kapatid ko kasi kahit pagtulog at pagkain.. magkasama na sila. Hehehe!

I really wanted to post a picture of my sister and chi... pero di maupload dito eh.. can somebody help me.


posted by: JOANNE

No comments: